Title: Bagong Xperience (Diana) Part 8
Author: Farut Barbakusi

Dumaan ang isang linggo. Hinihintay ni Diana ang pagtawag ni Bob pero
naging tahimik na ito. Sumama kaya ang loob ni Bob dahil hindi niya
sinagot ang tawag nito? Ito ang nasa isip ni Diana na lalong
nagi-guilty sa ginawa niya. Nagkaroon sila ng special relationship ni
Bob. Parang mutual understanding ang nangyari sa kanila. Ngunit naging
unfair talaga ang tadhana dahil nakilala din niya itong si Paul na
bukod sa cute at may itsura ay magaling makipag-usap kaya't mabilis na
naangkin nito ang damdamin niya at ang virginity niya.

Isa pang pinoproblema ni Diana. Nagkakaroon na siya ng morning
sickness. Sumasakit ang katawan niya minsan at napapadalas ang pagduwal
niya sa comfort room. Dalawang tao lang ang nakakaalam ng nangyari sa
kanila ni Paul. Si Micah at si Luisa na nagsisimula ding magduduwal.

Inggit na inggit si Micah sa concept na buntis ang kaibigan. Dahil
natatakot bumili itong si Diana ng EVA test para malaman kung buntis
siya talaga ay si Micah na ang nagmagandang loob na pumunta ng botika
kasama ang bagong BF nito na si Randy.

Tama nga ang hinala ni Diana. Buntis siya. Hindi nakapasok si Diana
dahil dito. Nanlamig ang katawan niya sa kaba lalo na't hindi niya
ma-kontak itong si Paul na na-terminate sa kumpanyang pinagtatrabahuhan
ayun kay Micah na siyang pumunta sa opisina ni Paul at nakaalam ng
nangyari.

"What am I going to do?" sabi ni Diana sa sarili. "Ano na ba ang
nangyayari sa buhay ko?"

"Friend naman, huwag ka ngang ganyan." sabi ni Micah. "Ako nga, matagal
ko nang gustong mabuntis pero hindi ako mabuntis-buntis. Kung alam mo
lang kung ilang lalake na ang nilabasan sa loob ng puke ko para lang
mabuntis ako. Eh ikaw isang take lang, buntis agad. Suwerte mo ano?"

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan."

"Look friend," sabi nito. "you have a stable job. Kumokota ka lagi
buwan buwan at ang laki ng nako-commission mo. Kaya mong buhayin ang
magiging anak mo. Hindi mo kailangan ng lalaki."

"Kaya lang hindi naman ako katulad mo." sabi ni Diana na naluluha na.
"Hindi naman namin ginawa ito ni Paul ng basta basta. May feelings din
naman ako sa kanya ano?"

"Katulad ng feelings mo kay Bob?"

"Yun nga ang lalong nagpapahirap!" sabi ni Diana. "In truth, mas mahal
ko na si Paul kesa kay Bob. But I can't help feeling guilty."

"Yeah I know, you felt that you betrayed him, ilang beses ko nang
narinig yan."

"Parang ganun naman kasi ang nangyari eh." hikbi ni Diana.

"Friend naman huwag kang ganyan!" saway ni Micah. "Baka makunan ka
niyan! Think of your baby. Gusto mo bang mawala siya sa iyo?"

"As of now, hindi ko alam." sagot ni Diana.

"Diana." malumanay ang tinig ni Micah ngayon. "Ikaw ang mommy niya.
Don't think that way."

"I'm sorry." sabi ni Diana. "Magulo lang kasi ang isip ko ngayon."

"Okay lang. O sige, I have to go na." tumayo si Micah at isinukbit ang
shoulder bad niya. "Tandaan mo friend, iba ka na ngayon. Mommy ka na."

Ngumiti si Diana kay Micah at pagkatapos ay lumabas na nang bahay si
Micah papunta sa sasakyan niya. Pagpasok sa loob ay dinayal nito ang
number ni Randay sa cellphone.

"Hello sweetheart? It's me Micah. I'm needing, longing and desperately
wanting you. Puwede mo ba akong buntisin mamaya?"

-0-

"You played it well like a professional slut."

Tumingin si Beth kung saan nanggaling ang tinig ng nagsalita. Nung
makita niya ay napangiti ito.

"Be careful William baka ikaw ang sumunod."

"How could you do it Beth? You, me and Paul are very close since day
one. Bakit mo nagawa ito?"

"Why?" tanong ni Beth. "I'll tell you why, because he spurned me. You
know the story William. Alam mo how much I tried to gain his approval,
his love. And I would've won, if he didn't met that bitch."

"Beth, you can't force someone to love you. Kung ayaw niya sa iyo bakit
mo pagsisiksikan ang sarili mo? Move on for crying out loud."

"There's more to this my dear William." sabi ni Beth at tumaas ang
kilay nito. "It's also a strategic move. It's the only way to go up.
Corporate ladder William. We all have to climb up."

"Because of that you sacrificed Paul? Our friendship?"

"It would've been hard." sagot ni Beth. "But he made it easier for me.
Hell hath no fury against a woman scorned! It will be good for you men
to remember that!"

"Grabe!" sabi ni William. "Grabe ka talaga!"

"I would watch my tone if I were you William." sabi ni Beth. "Remember
that I was just promoted as assistant manager? You're in my team
William. Translation? Your ASS is mine!"

"I don't care Beth." sagot ni William na may halong pagkutya. "I don't
plan on staying very long in this company."

"Yeah sure. Your problem is you're stuck in the days that we're having
fun in Starbucks. Grow up William. We all have to change."

"And that's what I'm here to tell you. Beware of change Beth. Because
you'll see a very big change soon." Pagkatapos ay lumakad na ito
palabas ng opisina.

-0-

Nag-iisa sa kuwarto si Diana nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

Si Bob!

Nagmadali si Diana sa pagkuha ng cellphone. Ngunit bago niya ma-click
ang button ay sandaling natigilan siya. Ano ang sasabihin niya kay Bob?
Ano ang sasabihin nito sa kanya kung malalaman nito ang kalagayan niya
ngayon? Nahihiya man ay kailangang mag-usap na sila ni Bob. Kailangang
magpaalam na rin siya dito.

"Hello."

"Hi." sagot ni Bob sa kabilang linya. "I'm sorry it took so long before
I called again. How's my sweet?"

"I'm just fine." sagot ni Diana.

"You don't seem fine to me." sabi sa kabilang linya. "Parang may
dinadala kang problema?"

"Dinadala?" natawa sandali si Diana. "Oh yeah, may dinadala talaga ako
ngayon."

"Diana, may problem ka ba?"

Humikbi na si Diana. "Bob. I don't know how to say this to you. But you
have to let me go."

"Ha? Why? Diana what is happening?"

"You wouldn't understand Bob. Suffice it to say that I had a wonderful
time talking to you. I'm only sad that we weren't able to take our
relationship to the next level."

"Diana I'm confused."

"I'm sorry Bob." sabi ni Diana habang tumutulo ang luha sa pisngi.

"Diana can you at least tell me the problem? Please?"

"I'm PREGNANT!"

Natahimik si Bob sa kabilang linya. Nagpatuloy si Diana.

"I met someone Bob. I... fell in love with him. That's why you couldn't
call me. I've been ignoring your calls---"

"Do you love him?"

"What?"

"Do you love him Diana?"

Tumahimik sandali si Diana pagkatapos ay sumagot ito. "Yes Bob. I love
him. I loved him enough to carry his child." Tumahimik ulit si Diana.
"Yes I love him."

"If that's the case, wala akong magagawa." sabi ni Bob. "But grant me
one last request."

"What is it?"

"Can we meet? I want to see you Diana."

"Bob..."

"Please Diana. One last time?"

Nag-isip si Diana. Pagkatapos ng ilang sandali ay sumagot din ito.

"Yes Bob. I'll be happy to meet you."

ITUTULOY