Ang Koleksiyon
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Paunawa
Kung mayroong link na hindi nagana, istoryang hindi buo, nawawala o maling
impormasyon tungkol sa author, ipagbigay alam po lamang sa www.pantasya.com@gmail.com.
|
Bumigay sa kapitbahay
Dear Xerex,
Magustuhan at mapili mo sana itong ikukumpisal ko sa iyo. Sakaling may
hindi ka naibigang salita na ginamit ko ay ipagpaumanhin mo na lamang
sana. Ikaw na lang ang bahalang umayos o alisin alinman sa mga isinulat ko
na sa tingin mo ay hindi puwedeng ilabas.
Dati kuntento na ako sa pagbabasa ng pitak mo. Ngayon, isa na rin pala ako
sa magbabahagi ng mga personal na nakaraan sa akin. Hindi ko alam kung
kakaiba ito sa mga nagpapadala sa iyo ng kanilang mga karanasan. Sa dami
ng mga nababasa ko sa column mo at marami pa ang tiyak na magpapadala
ay hindi ko na matandaan lahat ng kuwentong inilabas mo.
Hindi na ako mahihiyang ikuwento ang aking nakaraan, tutal tiwala ako sa
iyo na hindi mo ibibigay ang tunay kong pangalan at kung saan
matatagpuan. Alam ko rin, batay na rin sa mga nababasa ko, na kapag
hiniling sa iyo na itago ang tunay na pagkatao ng isang sumulat ay
pinagbibigyan mo. Sa ganang akin, ganito rin sana ang nais kong hilingin sa iyo.
Para sa akin ay makulay ang nakaraan ko. Makulay na ang ibig kong
ipakahulugan ay maraming pangyayari na hindi ko lubos maisip kung bakit
biglang dumating ito sa akin. Ngunit inaamin ko sa aking sarili na ako talaga
ang nagkamali. Dahil kung hindi siguro ako nagpadala sa tukso at buyo ng
damdamin ay baka buo pa rin ang pamilya ko.
Tahimik kaming nagsasama ng aking asawa. Apat ang anak na mga
binatilyo’t dalagita na. Ngunit mahirap din pala kapag nagkakasabay-sabay
na lumalaki ang inyong mga anak. Problema namin kadalasan ang
panggastos sa araw-araw eh hindi naman kalakihan ang kinikita ng mister ko.
Natuto kaming mag-asawa na magtiis, magtipid at isakripisyo ang personal
na kaligayahan alang-alang sa mga anak namin. Kapag magkasarinlan na
kami sa gabi ay doon namin napapag-usapan na pasasaan at balang araw ay
giginhawa rin ang buhay namin kapag napagtapos ang mga bata sa pag-aaral.
Ngunit sadya talaga sigurong dumarating ang mga pagsubok sa buhay. Ang
masakit, pag dumating pa ito ay kumakapit sa mga taong katulad namin na
maliit lang ang katayuan sa buhay. Natutong gumamit ng bawal na gamot
ang pangalawa naming anak na lalaki. Buong akala naming mag-asawa ay
maayos na nag-aaral siya ngunit hindi pala.
Nalaman ko na lang sa kanilang eskwela na hindi pumapasok ang anak ko.
Pinatawag ako ng teacher niya para kausapin tungkol dito. Kinausap naming
mag-asawa ang pangalawa ngunit nagkasakitan pa sila ng kanyang ama.
Mula noon, hindi na pumasok ang anak ko at naging palaboy na lang. Kapag
umuuwi naman ay nag-aaway silang mag-ama.
Magmula noon laging buryong ang asawa ko. Parang na-depress siya sa
ginawa ng anak namin. Hirap na hirap kaming maiahon sila tapos ganito pa
ang gagawin niya sa amin ng kanyang ama. At imbes na magbago at
humingi ng tawad sa kanyang ginawa ay pinili pa na magpakalulong sa
kanyang barkada na masamang impluwensiya sa kanya.
Matagal-tagal na rin iyon nang biglang may dumating na isa pang dagok sa
buhay namin. Kasama ang asawa ko sa naalis sa kanilang trabaho dahil hindi
na raw kayang magpasuweldo ng maraming tauhan. Ang konting natanggap
ng mister ko ay hindi rin nagtagal at naubos agad. Nakahanap naman siya
pero hindi permanente. Simula noon pa-sideline, sideline na lang kung
mamasukan ang mister ko kaya naman ang hirap pagkasyahin ng kanyang pera.
Dito kami umabot sa puntong nanghihiram na ako ng panggastos minsan.
Ang minsan ay naging madalas. Nagkagalit pa nga kami ng isang kapatid ko
na hindi namin mabayaran agad ang naiipon na palang pagkakautang namin.
Wala namang maitulong ang mga magulang ko dahil matatanda na sila.
Ang hirap ng kalagayan namin. Nagsasakripisyo’t nagtitiis na nga kaming
mag-asawa para sa aming mga anak ngunit hindi pa rin ito sapat. Kailangan
talaga ang pera upang makaraos kami. Gusto ko sanang umuwi na lang
kami sa probinsya ng mga magulang ko ngunit ayaw ng asawa ko. Pipilitin
daw niyang kayanin na balikatin ang kanyang pasanin. Ngunit alam kong sa
salita lang niya magagawa iyon.
Sa lugar na lang namin ay kinakapalan ko na lang ang aking mukha sa
panghihiram kapag kapos na kapos talaga kami. Lalo na kapag kailangan ng
mga bata ang pera. Dagdag na pabigat pa ang nagloko naming anak dahil
minsan nahuli at naawa naman ako na makulong kaya ginawan ko ng paraan
na mailabas dahil menor de edad pa.
Galit na galit sa akin ang asawa ko. Inaway ko dahil bakit ko pa raw
kinunsinti samantalang hindi na nga raw siya nirerespeto. Idinadaan ko na
lang lahat sa iyak kapag mag-isa na lang ako sa bahay. Mabigat sa kalooban
ko ang ginawa ng anak kong lalaki ngunit hindi ko rin matiis na malamang
nakakulong siya. Ngunit hayun ang tarantadong anak ko, paglabas ay
parang walang anumang nangyari at bumalik pa rin sa dating gawi.
Hindi iyon ang unang pagkakahuli sa kanya. Nang sumunod ay nalaman na
ng asawa ko at pinagsabihan agad ako na huwag nang pakikialaman para
magkaroon daw ng leksyon. Ilang araw rin na hindi ako mapagkatulog sa
pag-aalala. Hindi siguro ako masisisi Xerex na mag-alala dahil sino ba
namang ina ang hindi malulusaw ang puso kapag may nangyaring masama
sa kanyang anak. Ngunit lahat ng ito ay kinimkim ko lang sa aking sarili.
Gusto ko sanang tikisin ang aking anak para maturuan ng leksyon. Ngunit
bumigay rin ang pusong ina sa akin. Nag-isip ako kung paano makakagawa
ng paraan para mailabas siya. Kailangan ko na naman ng pera at iyon ang
problema kung saan ako maghahagilap ng pampiyansa sa kanya.
Nahihiya na akong lumapit sa mga dati kong nilalapitan. Lalo pa siguro kung
lalapit ulit ako sa kanila at malalaman na gagamitin ko lang para sa anak
kong nakulong. Ngunit kailangan kong kumilos hanggang sa may
nakapagsabi sa akin na subukan ko raw kausapin ang kapitbahay naming si Nanding.
Si Nanding ay hindi naman mayaman ang pamilya. Ngunit medyo
nakakaangat ang buhay nila roon sa kalye namin. Kailanman ay hindi ko pa
nasubukang lumapit sa kanya. Kaya ito ang unang pagkakataon na
susubukan ko pa lang hingan siya ng tulong.
May asawa’t mga anak na rin si Nanding. Tahimik ang kanilang buhay ngunit
kilala siya sa lugar namin na mahusay makisama. Katunayan madalas na
may nag-iinuman sa bahay nila. Ang mga kainuman niya ay ang kanyang
mga barkada roon sa lugar namin.
Dala ng mahigpit na pangangailangan, lakas-loob akong pumunta sa kanila.
Ang kanyang asawa ang una kong nakausap ngunit mabuti pa raw kung si
Nanding ang diretsong kausapin ko dahil hindi siya ang humahawak ng pera
nila. Tinawag si Nanding at paglabas ay iniwan kami ng kanyang asawa sa
kanilang sala.
Bago pa ako nakapagsalita ay inunahan na ako ni Nanding. Kung sadya ko
raw ay humiram para sa anak kong nakulong ay walang problema. Lumukso
ang puso ko sa labis na katuwaan. Hindi na ako nahirapang kausapin pa sila
at parang siya na mismo ang nag-alok ng tulong sa akin. Laking pasasalamat
ko sa kanila at nangakong babayaran agad kapag nagkaroon na ako ng pera
kahit ang totoo ay hindi ko pa naiisip kung saan ko naman hahagilapin ang
ipambabayad sa kanila.
Ngunit bago ako umalis ay mahigpit ko siyang pinakiusapan na huwag na
huwag makakarating sa kaalaman ng aking asawa na humiram ako sa
kanila. Nangako naman si Nanding at sabi pa nga sa akin ay naiintindihan
daw niya na nag-aaway ang mag-ama ko.
Lumabas ang anak ko ngunit hindi siya umuwi sa amin. Pumupunta lang siya
kapag alam na wala ang kanyang ama. Ako naman ay problemado na sa
dami ng kompromiso. Lalo na nang pinuntahan ako ng anak ni Nanding at
pinatatanong daw ng kanyang ina ang hiniram ko. Wala akong maisagot at
sinabihan ko na lang ang bata na pupunta ako sa kanila.
Tuliro ako at hiyang-hiya habang kausap ko ang kanyang asawa na medyo
may kasungitan ng araw na kausapin ko. Buti na lang lumabas si Nanding at
siya na raw ang bahalang makipag-usap sa akin tutal sa kanya ako personal
na humiram.
Inamin ko ang totoo kay Nanding na wala pa akong maibabalik kahit
magkano sa aking hiniram. Naunawaan naman niya ako at pumayag na
kapag nakaluwag na ay saka ko na lang ibibigay sa kanya ang hiniram ko.
Hiyang-hiya ako ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha.
Wala akong kaalam-alam na ang kabaitang ipinakita sa akin ni Nanding ang
unti-unti palang magtutulak sa akin sa kumunoy ng pagkakasala. Umpisa
noon kapag napapadaan ako sa kanila at natitiyempong nasa labas si
Nanding ay tinatawag niya ako. Hindi para maningil kundi kinukumusta lang
ang aking anak. Wala naman akong ibang masabi kundi ang totoo na hindi
pa rin nagbabago ang anak ko.
Kahit may mga kaharap siyang barkada at nag-iinuman sila, kapag
dumadaan ako sa kanila at nakita niya ay tinatawag ako ni Nanding.
Tumatayo pa iyan sa kanyang kinauupuan para lumapit sa akin at makipag-usap sandali.
Nahihiya akong lumapit kapag nandoon ang kanyang mga kaibigan dahil
kung makatingin ay parang mga nakakaloko at nagbubulungan pa ang iba.
Ngunit nahihiya naman akong hindi lumapit dahil sa kompromiso ko kay Nanding.
Ganun ng ganun lagi. Ako na nga ang umiiwas na dumaan sa kanila.
Hangga’t maaari ay ayokong matatawag pa niya kapag kaharap ang kanyang
mga barkada. Subalit magkapitbahay kami kaya hindi maiiwasan na
mapadaan ako ng madalas sa kanila.
Gabi noon at walang ibang tao sa bahay kundi ako lang. Biglang dumating si
Nanding na itsura pa lang ay halatang nakainom. Hindi ko malaman ang
aking gagawin sa pag-aakalang maniningil na siya. Pero pinakiharapan ko ng
maayos at pinapasok ko pa sa loob ng bahay.
Hinatid daw niya sa labasan ang kanyang mga kaibigan. Wala raw siyang
ibang sadya kundi ako. Nang magpapaliwanag na sana ako tungkol sa
hiniram ko sa kanila ay bigla niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay.
Kumabog ang dibdib ko sa ginawa ni Nanding. Pisil pa lang niya sa kamay
ko, ramdam ko nang may halo itong malisya.
May itsura ka at bata pa. Mukhang matanda ka lang dahil siguro sa problema
n’yong mag-asawa,” ayon kay Nanding. Tinanong ko siya kung ano’ng ibig
sabihin ng kanyang ginagawa sa akin. Ngumiti si Nanding sabay sabi sa akin
na kung nakakaintindi raw ako, dapat ay alam ko kung ano ang ibig n’yang
sabihin sa akin.
Inalis ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Sabay pinakiusapan
siya na kung maaari ay umalis na at baka abutan pa kami ng aking asawa.
Tiyak ‘kako na magtatanong iyon kung bakit nandoon si Nanding sa bahay at
baka malaman na humiram ako sa kanila para mailabas lang ang anak ko.
Imbes na pakinggan ang pakiusap ko ay lumapit muli si Nanding sa akin at
hinawakan uli ako sa kamay. Umiwas ako ngunit kasabay ng pag-iwas ko ay
niyakap niya ako. Nagpanting ang tenga ko sa galit at pilit ko siyang
itinutulak. Ngunit wala akong magawa dahil mas malakas siya sa akin.
Hindi ko rin magawang sumigaw dahil ewan ko ba kung bakit unang
pumasok sa utak ko ay baka marinig kami sa bahay nila na katabi lang sa
amin. Nagpumiglas ako ngunit hindi bumitiw si Nanding. Hanggang sa
nahalikan niya ako sa labi. Kung hindi ko pa siya kinagat sa labi ay hindi pa
lalayo sa akin.
Lasing ka lang, umuwi ka na bago pa dumating ang asawa ko,” sabi ko kay
Nanding. Akmang lalapit uli siya sa akin ngunit lumayo na ako. Nagsalita siya
at sabi sa akin, pag-isipan ko raw ang sinabi niya sa akin sabay humakbang palabas.
Ngunit bago tuluyang lumabas ng bahay namin ay nagbitiw pa ng salita.
“Masarap ka pa rin halikan. Pag may problema ka, `wag kang mahihiyang
lumapit ulit sa akin,” ayon kay Nanding na nakangiti. Sa kanyang sinabi ay
pinunasan ko ang aking labi para mawala ang bakas ng kanyang halik.
Hindi ko kinuwento ang nangyari sa amin ni Nanding pagdating ng asawa ko.
Ayo-kong madagdagan pa ang kanyang problema. Ngunit hindi ako
makatulog kahit nakahiga na katabi ang aking asawa. Naglalaro sa isip ko
ang ginawa sa akin ni Nanding kanina at paulit-ulit na bumabalik sa aking
alaala ang kanyang mga sinabi.
Simula noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari ang magkita kami ni
Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano maibabalik ang hiniram
kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may kompromiso ako sa kanila ay
naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na makalapit sa akin.
Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin. Itinaon niyang mag-isa uli
ako sa bahay at araw pa man din kung kailan wala sa bahay ang aking
asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang mga anak namin. Mas
malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko nga sukat-akalain na
darating siya at wala akong kaalam-alam na nakapasok na pala siya sa loob
ng aming pamamahay na hindi ko man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na lang. Akala ko, ang
asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko kasi nakita ang
pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng kaldero sa lababo.
Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya dahil siguro ingat na
ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na
sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko
kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom ng
alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at
sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang kanyang
lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay nila ay lalo
pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni
Nanding ang pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay
mariing hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na
ako gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit
ramdam ko ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya.
Ngunit hindi natinag sa kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at
kung payag ka, wala namang makakaalam nito dahil itatago natin at
matutulungan pa kita,” ayon sa kanya.
Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero aaminin ko sa iyo Xerex na
natukso ang isip ko sa inaalok ni Nanding. Alam kong malaki ang kanyang
maitutulong sa akin sakaling pumayag ako ngunit namamayani rin sa dibdib
ko ang takot sakaling sumawsaw ako sa pagkakasala.
Simula noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari ang magkita kami ni
Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano maibabalik ang hiniram
kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may kompromiso ako sa kanila ay
naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na makalapit sa akin.
Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin. Itinaon niyang mag-isa uli
ako sa bahay at araw pa man din kung kailan wala sa bahay ang aking
asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang mga anak namin. Mas
malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko nga sukat-akalain na
darating siya at wala akong kaalam-alam na nakapasok na pala siya sa loob
ng aming pamamahay na hindi ko man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na lang. Akala ko, ang
asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko kasi nakita ang
pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng kaldero sa lababo.
Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya dahil siguro ingat na
ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na
sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko
kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom ng
alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at
sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang kanyang
lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay nila ay lalo
pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni
Nanding ang pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay
mariing hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na
ako gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit
ramdam ko ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya.
Ngunit hindi natinag sa kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at
kung payag ka, wala namang makakaalam nito dahil itatago natin at
matutulungan pa kita,” ayon sa kanya.
Nakatulugan ko pa ang pag-iisip. Kaya lang ako nagising dahil parang
naalimpungatan at iyon pa rin ang laman ng isip ko, ang nangyari sa amin
kahapon at ang nakatakdang pagkikita namin ni Nanding ng araw na iyon.
Hindi ako makakilos ng maayos kahit mag-isa na lang sa bahay. Hindi ko
tuloy nagawa ang mga dapat gawin dahil parang nanlalata ang aking
katawan dala na rin ng pagkapuyat sa halos magdamag na pag-iisip.
Wala akong nabuong desisyon kundi kusang sumipot na lang sa lugar na
sinabi ni Nanding sa akin. Pagdating ko roon ay nandoon na siya. Kita niya
agad ako habang naglalakad papalapit pa lang sa lugar na sinabi niya sa
akin. Nang makalapit na ako ay nagkunwari si Nanding na kinakausap niya
ako tungkol sa pera ngunit pabulong na sinabihan akong palipasin ko lang
daw ang ilang minuto at sundan ko na siya kung saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na sunud-sunuran lang ako kung ano ang ibig niyang
ipagawa sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay sinundan ko siya palabas ng
palengke. Hinihintay lang pala niya ako sa labasan at saka lang siya
tumawag ng tricycle at doon kami sumakay. Saka niya pinara ang tricycle
nang makalayo na kami sa lugar namin at pumara naman ng jeep.
Habang lulan ng jeep ay saka ipinaliwanag sa akin ni Nanding na kaya lang
niya ginawa iyon, para makaiwas sa sinumang maaaring makakita sa amin.
Dito ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Sa mas ligtas na lugar lang
daw kami pupunta para makapag-usap.
Sa isang karinderya kami tumuloy. Umorder pa siya ng pagkain at habang
kumakain kami ay saka lang niya binuksan ang usapan tungkol sa amin.
Ipinaliwanag niya na hindi raw niya gustong guluhin ang buhay ng pamilya
ko. Ayaw rin daw sana niyang gawin iyon na pinuntahan pa ako sa bahay
kung hindi lang dala ng kalasingan niya noong unang pumunta siya sa amin.
Ang pangalawa ay ginawa raw niya dahil alam na raw niyang ako lang ang
tao sa bahay.
“Ano’ng gusto mo?” sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng
pagsasalita si Nanding. Gaya ng dati, walang kagatul-gatol na ipinagtapat sa
akin ni Nanding na ako ang gusto niya at wala nang ibang dahilan.
“Eh bakit ako pa, may asawa na ako,” isinagot ko sa kanya. Ngiti lang ang
itinugon ni Nanding sa akin. Nang makita siguro na parang nag-uusisa ako
sa pagkakatingin sa kanya ay saka lang sumagot. “Wag mong isipin na
sinasamantala ko ang problema n’yo, kursunada na talaga kita noon pa. Sabi
ko nga sayo, bata ka pa at maganda. Mukhang matanda ka lang dahil sa
problema n’yo,” ayon sa kanya sabay ngumiti uli.
Magsasalita pa sana ako ngunit pinutol agad ni Nanding. Sinabihan ako na
mabuti pang kumain na lang daw kami. “Saan tayo pupunta pagkatapos
dito?” sabi ko sa kanya. Wala raw kaming ibang pupuntahan kundi doon lang
para mag-usap.
Buong akala ko na ng mga sandaling iyon ay yayayain agad ako ni Nanding
kung saang lugar para magawa ang gusto niyang gawin sa akin ngunit hindi
pala. Naging mabait siya sa akin ng araw na iyon. Habang nasa loob kami ng
karinderya ay inasikaso niya ako bagay na hindi na nagagawa sa akin ng
asawa ko dahil subsob sa trabaho.
Pansamantalang nawala sa loob ko ang pag-aalala. Matapos makakain ay
kinausap na ako ng masinsinan ni Nanding. Naging usapan namin na sa
labas lang magkikita. Kung may kailangan daw ako ay sabihin ko na sa
kanya kapag magkasama kami at hindi puwedeng pupuntahan ko pa siya sa
bahay nila. Mabuti na raw iyon para makaiwas sa mga suspetyosong mata sa
lugar namin.
“Binabayaran mo ba ako?” sabi ko sa kanya. Natawa si Nanding sa sinabi ko
sabay inakbayan ako at pabulong na sinabing, “Madali lang makakuha ng
babae kung pera-pera ang usapan pero ayoko ng ganun.” Hindi na ako
kumibo sa aking narinig.
Nang maghiwalay kami ng araw na iyon ay alam ko na sa aking sarili na
nakalubog na ang isang paa ko sa kumunoy ng pagkakasala. At unti-unti
akong lumulubog habang tumatagal na nagkikita kami ni Nanding. Ang mga
bagay na hindi ko naisip na gagawin ko pala balang araw ay nagsimula ko
nang gawin sa kanya. Tinukso ako at nagpatukso naman ako hanggang sa
tuluyang lumubog ang aking pagkatao.
Magmula noon ay ginampanan ko na ang ibig mangyari ni Nanding. Ngunit
hindi kabit ang turing niya sa akin. Alagang-alaga niya ako. Hindi man ako
humihingi sa kanya ay kusa niya akong binibigyan bago kami maghiwalay
kapag nagkikita. Kabilin-bilinan lang niya sa akin na huwag ko raw
ipapahalata sa bahay kapag binibigyan ako dahil siguradong pagdududahan
ako. Sinunod ko naman ang kanyang bilin dahil alam kong totoo iyon.
Kapalit ng kagandahang-loob ni Nanding sa akin ay ang aking katawan. Sa
simula ay pinandirihan ko kapag may namamagitan sa amin. Ngunit
kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Aaminin ko rin sayo Xerex na dumating
ako sa puntong nasiyahan na rin sa ginagawa namin ni Nanding, siguro dahil
na rin sa ipinakita niyang kabaitan sa akin.
‘Yun lang Xerex, inaabutan ako ni Nanding ngunit hindi ko mapakinabangan
ng husto para sa aking pamilya. Hindi ko sila puwedeng bigyan dahil
imposibleng hindi magtatanong ang asawa ko kung saan galing ang pera.
Isa lang ang naisip ko para magamit ang pera. Binabayaran ko pakonti-konti
ang mga nahiraman namin. Walang kaalam-alam sa ginawa ko ang aking
asawa. Ang pagkakaalam niya ay marami-rami na kaming pinagkakautangan
ngunit inunti-unti ko nang binabayaran ang mga ‘yun mula sa perang
ibinibigay ni Nanding sa akin.
Guminhawa kahit paano ang kalooban ko dahil gumaan na ang mga
kompromiso namin. Ngunit kapalit nito ang katawan ko. Minsan binabagabag
ako ng konsensya dahil sa mga ginagawa ko lalo na noong nag-uumpisa pa
lang kami ni Nanding. Wala akong magawa dahil nakalublob na ang buong
katawan ko sa pagkakasala. Iniisip ko na lang na para rin sa kapakanan ito
ng aking pamilya.
Ngunit ewan ko ba kung bakit sa kabila nito ay natutunan ding tanggapin ng
kalooban ko si Nanding. Nawala ang pandidiri ko kapag nagtatalik kami.
Palibhasa napakabait niya sa akin. Ang dating takot ay napalitan ng
kaligayahan kapag kasama ko siya. Ewan ko ba kung bakit biglang nagbago
at lumambot ang damdamin ko sa kanya kahit alam kong mali na itong
ginagawa ko.
Hindi ko nagawang ilihim ito kay Nanding. Siya man kasi ay nakahalata sa
pagbabago ko. Ikinatuwa niya ito at lalo pa siyang bumait sa akin. Ngunit sa
kabila nito ay ginampanan ko pa rin ng maayos ang tungkulin bilang asawa’t
ina ng aking pamilya.
Isang bagay lang ang napansin ko. Mula nang magbago ang damdamin ko
kay Nanding ay parang nag-iba naman ito sa aking asawa. Mas gusto ko
pang kasiping si Nanding kaysa sa mister ko. Tingin ko mas nasasarapan ako
tuwing patago kaming nagkikita ni Nanding kaysa palagian na lang katabi ko
sa pagtulog ang lalaking pinakasalan ko.
Simula rin kasi noong nagkaroon kami ng mga problema sa bahay ay
nawalan din kami ng panahon ng aking asawa para sa isa’t isa. Nasubsob
ang kanyang isip sa pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay namin. Ako naman
ay natuon sa paggawa ng paraan upang makatulong sa kanya lalo na kapag
nagigipit kami. Mag-asawa nga kami ngunit wala nang namamagitang pisikal
sa amin.
Iba si Nanding dahil agresibo siya sa kama. At nang matutunan ko nang
tanggapin ang relasyon namin ay lalo pa siyang naging mainit sa pagtatalik
namin. Nadadala ako sa kanyang kapusukan. Sabi pa nga ni Nanding sa
akin, masarap daw pala ang ganito. Umayon ako sa kanyang sinabi dahil
nasasarapan na rin talaga ako sa piling niya.
Minsan sa pag-uusap namin, binanggit sa akin ni Nanding na ano raw kaya
kung maghanap na lang kami ng kahit maliit na kuwartong matutuluyan
kapag nagkikita kami. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Unang sagot ko agad
ay, “Sobra na yata ang gagawin natin.”
Matagal-tagal na rin pala niyang pinag-iisipan iyon. Kaysa lagi na lang daw
kaming pumapasok ng motel, mas mabuti pa kung maghanap ng kuwarto na
kahit anong oras ay puwede naming puntahan. Dalawang-isip ako sa
kanyang sinabi. “Parang ibabahay mo na ako n`yan,”sabi ko.
Ngumiti si Nanding sabay sabing kung gusto ko ay magsama na lang kami.
Hiwalayan ko na raw ang aking asawa at ihahanap niya ako ng matutuluyan.
Nang tanungin ko kung ganoon din ang gagawin niya ay umiling si Nanding.
Ako lang daw at doon na lang niya ako pupuntahan sa tutuluyan ko.
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko kay Nanding. Tumango siya
sabay sabing matagal-tagal na rin daw niyang pinag-iisipan ang bagay na
iyon. Ngayong napag-usapan na rin lang daw namin ay mabuti pang ituluy-tuloy na namin tutal matagal na rin ang itinatago naming relasyon.
Hindi ako nakahanda sa iminungkahi niya sa akin. Maraming bagay ang
pumasok agad sa isip ko. Niloko ko na ang aking asawa iiwanan ko pa
ngayon ang pamilya ko. Hindi ko masagot agad ang gustong mangyari ni
Nanding sa aming dalawa.
Siya naman ay kinumbinsi ako ng kinumbinsi. Kagagahan, ewan ko ngunit
napapayag ako matapos ang ilang ulit pa naming pagkikita at
pangungumbinsi niya sa akin. Plinano niya muna ang lahat bago ako
tuluyang tumalikod sa aking pamilya.
Naghanap ng matutuluyan kong kuwarto si Nanding. Nang makatagpo ay
isinama ako para makita ko raw muna ang lugar at kung gusto ko ay
kukunin na niya. Sinadya ni Nanding na malayu-layo sa lugar namin ang
hinanap niyang kuwarto. Walang nakakakilala sa amin sa lugar na iyon.
Pabor daw iyon para sa aming dalawa para akalain na bago pa lang kaming
nagsasama bilang mag-asawa.
Pinag-aralan din namin ang araw ng pag-alis ko na siyempre itinaon kong
walang tao sa bahay. Isang sulat ang inihanda ko para sa aking asawa’t mga
anak ilang araw bago ang pinag-usapan namin ni Nanding na araw ng pag-alis ko. Hindi rin ako naghanda ng damit para hindi makahalata ang asawa
ko. Saka lang ako nag-apura na ipunin ang mga damit ko at ilang personal
na gamit ng araw na mismo ng pag-alis ko.
Sa sulat ay hindi ko nagawang ipagtapat sa aking asawa ang totoong dahilan
ng pag-alis ko. Hindi ko sinabi na kapitbahay lang namin ang lalaking
sinamahan ko dahil siguradong malaking gulo at eskandalo ang mangyayari.
Ang totoo ay hindi ko binanggit sa sulat na may sasamahan akong ibang
lalaki. Ang sinabi ko na lang ay magbabaka-sakaling makatagpo ng
maganda-gandang kapalaran at saka ko sila babalikan.
Ngunit bago ko inabandona ang aking pamilya ay may nabuo nang plano sa
isip ko. Sakaling hindi maging maganda ang pagsasama namin ni Nanding ay
babalikan ko ang aking pamilya. Siguro naman ay tatanggapin pa rin ako ng
aking asawa’t mga anak kapag idinahilan ko sa kanila na nabigo akong
makatagpo ng magandang kapalaran sa ibang lugar.
Sakaling maging maganda naman ang pagsasama namin ni Nanding ay
hinding-hindi ko na sila babalikan. Inisip ko na magpadala na lang minsan ng
pera buhat sa maiipon ko galing sa ibinibigay sa akin ni Nanding. Sa
ganitong paraan man lang ay makatulong ako at mabawasan ang aking
kasalanan sa kanila bagama’t alam kong walang kapatawaran itong ginawa
ko kung malalaman lamang ng aking asawa ang buong katotohanan kung
bakit iniwan ko sila.
Parang nagsisimula uli ako sa piling ni Nanding. Usapan namin na hindi
magkakaroon ng anak dahil baka maging kumplikado na ang sitwasyon
kapag nabuntis ako at nagsilang. Pumayag ako sa ganung usapan dahil
naranasan ko na ang magkaroon ng pamilya at hindi ko makayang buhayin.
Sinabi ko kay Nanding na ayoko nang maulit pa iyon.
Kinukuwento na lang ni Nanding sa akin ang kanyang mga nababalitaan sa
bahay namin. Naglasing ang asawa ko at nagwala. Usap-usapan daw sa
lugar namin ang bigla kong pagkawala. Kahit hindi ko sinabi ang totoo sa
iniwan kong sulat, duda raw ang asawa ko na may sinamahan akong iba.
“Bumalik ka man siguro baka hindi ka na tanggapin sa inyo,” ayon kay
Nanding. Wala na akong magagawa pa. Nandoon na. Nagpasya na ako at
hindi ko na tinalikuran pa ang napag-usapan namin ni Nanding. Ikinatakot ko
lang noon na baka malaman ng kanyang asawa ang totoo na siya ang
dahilan ng paglayo ko sa aking pamilya. Ngunit pinawi ni Nanding ang
pangamba ko sa pagsasabing pakaiingatan daw namin ang aming pagsasama.
Nagsama nga kami bilang mag-asawa ngunit panay pagtatalik lang ang
nangyayari. Pinupuntahan ako ni Nanding kapag nakakagawa siya ng dahilan
para hindi umuwi sa kanila sa loob ng ilang araw. May mga pagkakataon na
sandali lang siya at umuuwi rin agad.
Kapag nasa akin si Nanding ay walang ibang nangyayari kundi tikiman lang
ng tikiman. Walang kasawa-sawa si Nanding. Tuwing nasa akin siya ay
panay sex lang ang ginagawa namin. Napansin ko pa nga na parang mas lalo
siyang naging mapangahas sa mga pagtatalik.
Ang mga hindi niya ginagawa sa akin noong nagmo-motel pa kami ay
nagagawa na niya nang mangupahan na kami ng kuwarto. Naging mas
agresibo si Nanding na parang laging sabik na sabik sa akin. May araw nga
na kararating pa lang niya sa akin ay nagyayaya na agad na mag-sex kami.
Ngunit hindi nagbago ang kanyang ugali na mabait pa rin sa akin. Ako
naman ay wala nang ginagawa kundi alagaan ang aking sarili. Wala naman
kasi akong ibang pinagkakaabalahan. Kaya hayun, kabit talaga ang naging
papel ko sa buhay niya. Napansin din ni Nanding ang pagbabago sa akin
dahil bumabalik na raw ang dati kong itsura mula nang makalayo sa
problema ng aking pamilya.
Ganun daw ang gusto niyang mangyari na alagaan kong mabuti ang aking
sarili. Nagsawa na raw kasi siya sa kanyang asawa na magmula nang
magkaroon sila ng mga anak ay hindi na marunong alagaan ang sarili,
palibhasa abala sa kanilang bahay.
Ang totoo, kaya ko ginagawa ito ay dahil natatakot ako na balang araw ay
magbago rin ang isip ni Nanding at hiwalayan ako. Iniisip ko na sakaling
mangyari iyon ay wala na akong mababalikan pang pamilya. Kaya bukod sa
pagpapaganda para hindi niya iwanan ay lihim din akong nag-iipon sa bawat
ibinibigay niya. Hindi niya alam ito at ayoko ring banggitin sa kanya.
Naging open na rin ako pagdating sa sex dahil kay Nanding. Marami akong
natutunan sa kanya. Ang mga bagay na dati’y hindi ko ginagawa sa aking
asawa ay natutunan kong gawin sa kanya. Parang nag-eeksperimento kami
kapag nagtatalik. Marami siyang sinusubukang ipatikim sa akin.
Sa umpisa ay parang nahihiya pa ako sa kanya. Nakakapanibago dahil noon
kapag nagtatalik kami ng asawa ko ay iyong mga pangkaraniwang ginagawa
lang ng mag-asawa ang naranasan ko sa kanya tulad ng romansahan muna
at kapag matigas na matigas na si ‘Pedro’ ay ipapasok na niya ito sa akin.
Saka aarangkada nang todo-todo, sagad-sagaran hanggang sa labasan.
Ibang klase si Nanding dahil sinabi niya pa mismo sa akin na dapat pareho
kaming masiyahan. Kapag pinuputukan siya, kailangang masarapan din ako
at makaraos. Kung anu-ano pa muna ang mga ginagawa niya sa akin. Sari-saring posisyon sa bawat pagtatalik. Nagpipigil muna si Nanding para
makahabol din ako sa kanya. Madalas nga na nilalabasan din ako sa
kakaibang pakikipagtalik sa akin ni Nanding na hindi ko natikman noon sa
piling ng aking asawa.
Kung sa posisyon lamang sa sex ay maraming klase na ang natikman ko kay
Nanding. Patayo, pahiga, paupo, patalikod ay ginawa na niya sa akin. Parang
nag-eeksperimento nga kami sa dami ng sinusubukang paraan upang
parehong masarapan. Matagal siyang pumutok dahil ayon sa kanya ay
ginagamitan niya ako ng muscle control para labasan din ako.
Ngunit ang paborito ko sa lahat ay ang patalikod na pagtira niya sa akin.
Natikman ko na rin ang iba’t ibang pamamaraan ni Nanding kapag tinitira
niya ako nang nakatalikod sa kanya. Mayroong nakatayo kami at parang aso
ako na kinukubabawan niya sa likuran. Tinira na rin niya ako nang patalikod
habang nakapatong ang aking mga tuhod sa gilid ng kama at siya ay
nakatayo sa lapag. Mayroon pa na nakakapit ako sa dingding habang
kinakadyot niya sa ganoong posisyon.
Ang hindi ko lang nagustuhan ay nang subukan niyang ipasok si ‘Pedro’ sa
puwet ko. Masakit, napakasakit palibhasa may kalakihan ang ari ni Nanding.
Umaray ako at napasigaw sa sakit noong unang sinubukan niyang gawin
iyon sa akin.
Hindi ako pumayag at hindi rin naman niya ipinagpilitan pa na ituloy namin
nang malaman na nasasaktan ako sa halip na masarapan.
Maliban sa patalikod ay paborito ko rin iyong nagkakainan kami. Paiba-iba
kami minsan ng posisyon kapag ito ang gusto naming gawin. Minsan ako ang
nasa ibabaw, minsan ako ang nasa ilalim. Kinakain niya ako roon at sinusubo
ko naman ang kanya. Sa madaling salita ay sabay kaming abala sa
pagpapaligaya sa bawat isa kapag ganito ang posisyon na nakursunadahan
namin. Kanya-kanya kami ng subo, siya sa ari ko at ako naman sa ari niya.
Masarap kumain si Nanding dahil hinahanap talaga niya ang mani ko, ang
pinakasentro ng pagkababae ko sa pamamagitan ng kanyang dila. Kapag
nasalat na niya iyon ay pinaglalaro na ang kanyang dila tapos biglang
hihigupin ito. Napapatirik ang mga mata ko kapag ginagawa niya ito sa akin.
Natitigilan ako sa pagsubo sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang
kakaibang sarap at sensasyon na parang kuryenteng dumadaloy sa aking
mga kalamnan.
Kung ganito ang posisyon ng pagtatalik namin, ipinagdidiinan ko talaga sa
kanya ang aking pagkababae kapag hinihigop na niya ang mani ko.
Nakakapanginig ng hita ang ginagawa sa akin ni Nanding. Minsan
nakakalimutan ko nang nakasubo sa bibig ko ang kanya ngunit wala naman
akong ginagawa kundi subu-subo ko lang iyon dahil tirik na ang mga mata
ko habang hinihigop niya ako roon.
Kapag nalaman ni Nanding na nilabasan na ako, pakikilusin naman niya ako.
Hihiga iyan at pababayaan na laruin ko sa bibig ang kanyang ari.
Kapag malapit nang labasan ay sasabihin sa akin para iluwa ko sabay
sasalsalin ko para makalabas lahat. Sumasabog sa kanyang puson at minsan
nga sa lakas ng putok ay kumakalat sa sapin ng kama namin ang malagkit at
mainit-init na likidong galing sa kanya.
Noong una naming ginawa ito ay parang asiwa akong gawin. Kailan man ay
hindi ko pa kasi ito ginawa sa asawa ko. Hindi namin ginawa ang magkainan.
Nandidiri pa nga ako noong una ngunit nakasanayan ko na rin dahil masarap
pala. Pinalilinis ko muna sa kanya ang ‘Pedro’ ni Nanding kapag kursunada
niyang gawin namin ang ganitong posisyon. Ganun din ang ginagawa ko sa
aking ari na hinuhugasan ko munang mabuti para maalis ang panghi. Kaya
mabangu-bango pa dahil sinasabon ko ito bago ipakain sa kanya.
Hindi rin mapigilan minsan ni Nanding ang kanyang sarili na mapahiyaw
kapag sarap na sarap sa pakikipagtalik ko sa kanya. Sinesenyasan ko nga
minsan na huwag maingay dahil nakakahiya kapag may nakarinig sa amin.
Kaya paimpit na halinghing na lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa
kapag nagtatalik.
Ngunit madalas na ako ang panay halinghing. Lalo na kapag nasa mood
akong makipagtalik sa kanya. May mga araw kasi na mas gusto ko pa na
magkatabi lang kami ngunit walang sex. Sabi ko sa kanya, hindi namin dapat
araw-arawin dahil baka magkasawaan kami. Hindi nga araw-araw dahil
minsan lang siyang nakakapunta sa akin, ang kaso kapag nagkita kami
siguradong maghapon at kapag doon pa siya natulog ay magdamagan halos
na wala siyang kasawaan.
Kapag matagalan kami ay tumatamlay rin ang ari ni Nanding. Sakaling
ganito na ang nangyayari ay nagkakasya na lang kami sa romansahan.
Ngunit para tigasan uli siya ay dinidila-dilaan ko ang ulo at kapag tumigas ay
mabilis niyang ipinapasok sa akin.
Ganun ang naging takbo ng buhay ko sa pagsasama namin ni Nanding. Mas
lamang ang sekswal kaysa pagsasamang emosyunal ang namamagitan sa
amin. Likas pala talaga na mahilig si Nanding. Napatunayan ko ito mula nang
magsama na kami.
Unti-unti kong nakilala ang kanyang pagkatao. At unang-una sa
naobserbahan ko nga sa kanya ay ang pagkahilig niya sa sex. Laging may
nangyayari sa amin lalo na kapag sa loob ng isang linggo ay hindi siya
nakakapunta sa akin. ‘Pagdating niyan sa akin, siguradong magpapakasawa
na naman kami sa pagtitikiman.
Ipinagtapat din sa akin ni Nanding kapag nag-uusap kami pagkatapos
magtalik na may naobserbahan din daw siya sa kanyang sarili. Simula raw
nang magsama na kami ay parang nawalan na siya ng ganang makipagtalik
sa kanyang asawa. Mas gusto pa raw niya sa akin at iyon ang hindi niya
maintindihan sa kanyang sarili kung bakit biglang nanamlay ang kalibugan
niya pagdating sa kanyang asawa.
Sinagot ko siya tungkol sa bagay na ito na baka lang kako talagang nagsawa
na siya sa kanyang misis. Sabi ko, ganun talaga siguro ang lalaki na hindi
mapalagay sa isang ka-partner lang. Mabilis magsawa sa iisang ka-partner
lang at naghahanap ng ibang putahe tulad ng kanyang ginawa sa akin.
Dito ko sinabi sa kanya na baka naman kako ‘pag nagsawa na rin siya sa
akin ay bigla akong iiwanan at maghahanap ng iba na namang putahe.
Sinagot ako ni Nanding na hindi mangyayari iyon kaya wala akong dapat na ikatakot.
Hindi ko sineryoso ang kanyang sinabi sa akin. Ngunit hindi ko rin siya
sinagot sa kanyang sinabi. Sa isip-isip ko, malalaman ko rin ang totoo balang
araw bagama’t sa loob-loob ko ay huwag sanang dumating ang araw na
iyon. Kung sa bagay, napag-isipan ko na rin ang mga bagay na ito at kahit
papaano ay may paghahanda na rin akong ginawa sakaling magkahiwalay
rin kami.
Nakalalamang ang sekswal sa relasyon namin ngunit hindi naman ako
nagrereklamo dahil mabait siya sa akin. Hindi nagbago ang ipinakikita niyang
ugali sa akin buhat noong hindi pa kami nagsasama hanggang sa ibinahay
na niya ako. Unti-unti ko ring nakikilala ang kanyang pagkatao na likas pala
talagang mabait kaya kahit paano ay suwerte pa rin ako sa pinatulan kong lalaki.
Ngunit hindi nga siguro tumatagal ang mga relasyon na katulad sa amin ni
Nanding. Lalo pa’t wala talaga silang mabigat na problema ng kanyang
asawa bago niya ako kinabit. Ang kay Nanding ay kapritso lang ng katawan.
Dapat ngang sabihin ay tawag lamang ng laman. Gustong makatikim ng
ibang putahe dahil nagsasawa na sa araw-araw na ‘luto’ ng kanyang asawa.
Nagsimula kong mapansin sa kanya na bibihira na lamang akong puntahan
noong mahigit isang taon na ang aming relasyon. Subalit hindi naman siya
nagkukulang ng sustento at mabait pa rin ang pakikitungo sa akin. Iyon nga
lang, napuna ko na nagiging madalang na kung siputin niya ako sa
inuupahan kong kuwarto kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang
nangyayari sa kanya.
Binanggit ko itong naobserbahan ko sa kanya nang minsan ay dumating siya
na nakainom. Akala ko nga magyayaya sa akin na mag-sex kami gaya ng
dati niyang ginagawa kapag dumating na nakainom ngunit kabaligtaran sa
inaasahan ko ang nangyari. Humiga lang sa kama at gusto raw niyang magpahinga.
Sinamantala ko ang pagkakataon na kausapin siya at dito ko sinabi ang
napapansin ko. Ang sagot sa akin ni Nanding ay medyo abala lang daw siya
sa negosyo nila. Iniiwasan din daw niya na baka makahalata na ang kanyang
asawa dahil minsan ay nagtatanong na sa kanya.
Inusisa ko kung ano ang tinatanong ng asawa niya. Kung saan daw siya
naglalagi kapag ginagabi o hindi umuuwi sa kanilang bahay sa loob ng isa
hanggang dalawang araw. Nagagawan pa rin daw niya ng paraan ngunit
ayaw niyang umabot sa puntong baka mag-usisa na ang kanyang asawa at
alamin kung ano talaga ang totoong nangyayari sa kanya.
Wala sa isip na nasabi ko kay Nanding na hindi problema sa akin sakaling
gusto na niyang tapusin ang relasyon namin. Tiningnan ako sa mata ni
Nanding, tingin na parang sinusukat ang aking sinabi. Hindi ako umimik
ngunit bandang huli ay pinaliwanag ko na okey lang kako sa akin kung balak
na niya akong layuan.
Katwiran ko ay alam ko naman na balang araw ay puwedeng mangyari ito sa
amin at pinaghandaan ko na ang pagdating ng araw na iyon. Umiling si
Nanding saka nagsalita. Hindi raw mangyayari ang pinangangambahan ko
dahil maingat siya sa relasyon namin.
Pagkatapos ay lumipat siya ng puwesto sa pagkakahiga. Tumalikod sa akin
at napansin ko na lang na nakatulog na pala. Bitin ang pag-uusap namin.
Wala akong nagawa kundi tumabi na rin sa kanya. Nakatulugan ko ang
malalim na pag-iisip sa katatapos lang naming pag-uusap.
Hindi na nagising pa si Nanding sa buong magdamag. Tinulugan lang niya
ako. Kinabukasan ay nagtaka ako kung bakit ang aga niyang nagising.
Kailangan daw niyang umalis dahil may kausap siya sa negosyo nila. Hindi
naman niya dating ginagawa ito na maaga pa ay umaalis na sa akin.
Hahaba pa ang kuwento kung iisa-isahin ko ang pangyayari nang mga
sumunod na araw. Masalimuot at napakabigat sa dibdib ko. Pinanghinaan
ako ng loob nang malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit parang
nanlalamig na sa akin si Nanding.
Woman’s instinct siguro dahil natunugan ko ang dahilan ng biglang
pananamlay ng dati’y masiglang pakikitungo niya sa akin. May ibang babae
na naman si Nanding. Nagsawa na rin siguro siya sa akin kaya naghanap uli
ng ibang kandungan. Naniniwala akong ganito nga ang nangyari sa kanya
dahil ito rin ang dahilan kung bakit naging mapilit siya na makuha ako
hanggang sa maibahay.
Kabit na nga ako, naghanap pa ng ibang kabit si Nanding. Bale tatlong babae
na kami sa buhay niya. Una ang original niyang asawa, ako at itong bagong
dating na kasosyo ko ngayon sa atensyon niya. Masuwerte talaga kapag
bago dahil buhos ang atensyon ng lalaki sa iyo. Katulad noong bago-bago
lang ang relasyon namin ay alagang-alaga ako ni Nanding. Panay-panay rin
ang sex namin noon na bandang huli ay bigla siyang tumamlay.
Kaya pala nananamlay na sa akin eh, dahil may bago siyang kinagigiliwang
uwian at sipingan. Ang bigat sa loob ko na malamang may kinalolokohan na
naman siyang iba. Ngunit hindi na ako nagalit pa. Hindi ko rin siya
sinumbatan tungkol dito.
Kinausap ko na lang si Nanding na kung ayaw na niya sa akin ay diretsuhin
na ako para tapos na ang relasyon namin. Ayaw pa raw niyang tapusin ang
pagsasama namin. “Ano’ng gusto mo, tatlo-tatlo kami na kung kailan mo
gustong uwian ay doon mo lang sisiputin?” sabi ko sa kanya.
Sukat doon sa sinabi ko ay biglang nagalit si Nanding. Hindi naman daw siya
nagkukulang sa akin kahit nagloloko siya. Ganun pa rin daw ang binibigay
niya sa akin kahit may bago na siyang kinalolokohan. Totoo iyon ngunit hindi
ko gusto ang ganitong klaseng arrangement. Salu-salo na kami at unang
kinatakot ko ay baka magkasakit ako o sinuman sa amin sa kagagamit ni Nanding.
Nagpasya akong umalis na lang. Pinakiusapan ko siyang huwag na akong
pigilan para matahimik na rin ang buhay ko. Tinanong niya ako kung saan
pupunta. Wala kako dahil wala na rin akong uuwiang pamilya buhat nang
sumama ako sa kanya.
Hindi na ako pinigilan ni Nanding. Binigyan pa niya ako ng konting halaga.
Pero sakaling magbago raw ang isip ko ay kontakin ko lang siya. Hindi ko na
ginawa ito. Tuluy-tuloy na ang pag-alis ko. Naisip ko rin na tama na ang
kalokohan ko. Marami na akong kasalanan unang-una sa aking pamilya na
inabandona ko.
Sa ngayon ay isang madilim na nakaraan na lamang ang turing ko sa naging
takbo ng buhay ko noon. Inuusig ako minsan ng aking konsensya ngunit
ipinagdarasal ko na lamang na sana’y patawarin ako sa mga ginawa ko.
Pagpasensiyahan mo sana Xerex ang napakahaba kong sulat. Sana ay
mailathala ninyo ito at kapulutan sana ng aral ng ibang babae.
Sponsors
Tulungan nyo kaming manatiling libre. Magclick lamang po sa kahit anong sponsor ad.
Salamat po!
© 2006 Pantasya.com |